Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

 

GIRL SCOUTS MONTH, IPINAGDIWANG SA MANDALUYONG

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Girl Scouts Month, ibinida sa lingguhang tagpuan ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong na pinangunahan nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos, ang pagpapakilala sa mga bagong opisyal at paggawad ng natatanging parangal sa mga miyembro ng Girl Scouts of the Philippines (GSP) Mandaluyong City Council.

Kasama sa nagbigay ng mensahe si Outgoing Council President at dating konsehal Charisse Abalos-Vargas na ipinagmamalaki ang mga aktibidad at tagumpay ng GSP sa panahon ng kaniyang pamumuno. Samantala, nagbahagi naman ng makabuluhang mensahe si Vice Mayor Menchie Abalos, kasalukuyang Council President, na nagbigay-diin sa kaniyang mga mithiin, pati na rin sa mga aral at payo mula sa late Council President Cora Abalos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *