

Binigyan ng pagkilala nina Mandaluyong City Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos sina City Police Chief Col. Mary Grace Madayag at Salvador Manansala na guro sa Renato Lopez Elementary School. Sila ay kabilang sa mga indibidwal na kwalipikado sa Outstanding Filipino ng Metrobank Foundation.
Ang Outstanding Filipino ay nagbibigay parangal sa sektor ng mga guro, pulis, at sundalong Pilipino na aktibo sa serbisyo na may kahusayan at sakripisyo sa pagsisilbi sa kani-kanilang propesyon at komunidad.