Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

 

IKALAWANG ‘KASALAN SA PIITAN’ IDINAOS NG MANDALUYONG LGU

Muling idinaos ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pamamahala ng City Civil Registry Department katuwang ang Bureau of Jail Management and Penology-Mandaluyong, ang ‘Kasalan sa Piitan’ ngayong araw (Setyembre 25) kung saan pinamunuan ni Mayor Ben Abalos ang mass wedding ng may 23 pares, na kinabibilangan ng 29 persons deprived of liberty o PDL.

Naganap ang nasabing mass wedding sa Mandaluyong City Jail na dinaluhan din nina Vice Mayor Menchie Abalos, BJMP-NCR Regional Director Jail Chief Supt. Clint Russel Tangeres, mga opisyal ng city jail, at mga konsehal ng lungsod.

Ayon kay Mayor Abalos, layunin ng pamahalaang lungsod na bigyan ng pagkakataon ang mga PDL na gawing ligal ang kanilang pagsasama. Kasunod nito ang mas madaling pagproseso ng legitimacy sa birth certificate ng kanilang mga anak o magiging anak.

Ang ‘Kasalan sa Piitan’ ay kabilang sa ‘Re-integration, Reformation Program’ ng pamahalaang lungsod at ng city jail para sa mga PDL na nagpapakita ng magandang record ng good conduct time allowance.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *