Ating pinamunuan ang pormal na paglunsad at groundbreaking ceremony ng underground power and auxiliary distribution system o ang ‘Integrated Underground Wiring System (IUWS) Plan’ ng ating lungsod. Sa proyektong ito ay ililipat na ng pamahalaang lungsod ang mga kable ng kuryente, komunikasyon, at iba pa sa ilalim ng lupa mula sa mga poste.
Sa pagpapatupad ng proyektong ito ay mapapatupad natin ang hangarin na maging ‘walkable city’ ang Mandaluyong dahil mas magiging ligtas ang ating sidewalks. Makakatulong din ito na mabawasan ang mga insidente ng power loses sa mga negosyo sa lungsod sakaling magkaroon ng hindi inaasahang aksidente o sakuna.