Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

 

KABATAANG MANDALEÑO WAGI SA PALARONG PAMBANSA 2024

Ipinakilala ni Vice Mayor Menchie Abalos ang mga estudyanteng atleta mula sa iba’t ibang eskwelahan sa lungsod na lumahok at nagwagi sa Palarong Pambansa na ginanap sa Cebu City kamakailan.

Nanalo ng bronze medal ang basketball team mula sa La Salle Green Hills (LSGH), habang si Ray John Rivera ng Andres Bonifacio Integrated School (ABIS) ay nakasungkit ng silver medal sa arnis.

Sa larangan ng swimming naman ay umani si Luke Amber Araño ng Jose Rizal University (JRU) ng gold, silver, at bronze medals sa magkakaibang kategorya, at nagtala ng bagong record sa 4×50 freestyle relay. Nanalo din ng gold at silver medals si Rain Tumulac ng JRU, at silver at bronze medal naman ng nasungkit ni Joaquin Medenilla ng LSGH. Sa track & field ay nanalo ng gold, silver, at bronze medals sa magkakaibang kategorya si Randy Degolacion ng JRU.

Masayang binati ni Vice Mayor Menchie ang lahat ng mga kabataang atleta at ayon sa ordinansang naipasa ng Sangguniang Panlungsod noong 2019 ay makatatanggap rin ang mga atleta ng cash incentive sa bawat medalyang kanilang napanalunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *