Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

“KAHANGA-HANGANG KABABAIHAN NG 2025” PINARANGALAN SA MANDALUYONG

Sa pakikiisa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong buwan ng Marso ay pinangunahan nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos ang pagbigay ng pagkilala sa 10 natatanging kababaihang Mandaleño na napili bilang mga “Kahanga-hangang Kababaihan ng 2025.”

Ang mga pinarangalan sa flag raising ceremony itong Lunes ay sina Isabel Cosme, Maria Criselda Baluyot, Elizabeth Cunahap, Lucresia Rangis, Merlita Jamias, Rebelyn Hayahay, Venus Marquez, Antonette Manacsa, Rona Bucatcat, at Sonia Labra.

Kaugnay nito ay nagbigay ng pasasalamat sina City Council Chairman of the Committee on Women and Families Councilor Leslie Cruz at Kababaihan Kakaiba ng Mandaluyong (KKM) President at Mayor’s Office Chief-of-Staff Charisse Abalos-Vargas, at Green Ladies Movement (GLM) President Queenie Gonzales sa suportang inilalaan ng pamahalaang lungsod sa mga kababaihan.

Ang National Women’s Month ngayong taon ay may temang “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *