

Pinangunahan nina Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos at Vice Mayor Anthony Suva, kasama si former DILG Secretary Atty. Benhur Abalos ang pagbubukas at pagbabasbas ng mga bagong apartment type niches, cremation machines, elevator/lifter sa Garden of Life Park Cemetery.
Ipinakita din ni Mayor Menchie ang mga ginawang rehabilitasyon sa mga memorial chapel na bahagi ng pagpapaigting ng pamahalaang lungsod sa serbisyo sa Garden of Life Park para sa mga yumaong residente ng lungsod.
Matatandaang ang pagsasaayos ng Garden of Life Park ay inisyatibo ni Atty. Benhur sa kanyang termino bilang punong lungsod at ginawaran ito ng bilang Galing Pook awardee.