Idinaos sa Lungsod ng Mandaluyong ang Lab For All Program PRIDE Edition ng National Government kung saan umabot sa 5,000 Mandaleño ang nakatanggap ng libreng serbisyo medikal, gamot, at iba pa.
Ang programa ay pinangunahan ni First Lady Liza Marcos, Mayor Ben Abalos, Vice Mayor Menchie Abalos, mga miyembro ng kabinete, at mga lokal na opisyal ng lungsod.
Kasamang nakiisa sa programa sina DILG Secretary Benhur Abalos, Congressman Boyet Gonzales, DMW Secretary Hans Leo Cacdac, at PAO Chief Persida Acosta.