Umabot sa 5,000 Mandaleño ang tumanggap ng libreng serbisyo medikal, gamot, at iba pa sa idinaos na Lab For All program PRIDE edition sa Lungsod ng Mandaluyong na pinangunahan ni Unang Ginang Liza Marcos, kasama sina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos. Kaisa sa programa ang iba pang ahensiya ng Pamahalaan kabilang ang DILG, DSWD, DMW, DOH, PAO, TESDA, LTO, PhilHealth, at Pag-IBIG.