Limang barangay sa Lungsod ng Mandaluyong ang kinilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa kanilang mahusay na pagsasagawa ng barangay clearing operations (BARCO) sa kanilang mga nasasakupan.
Nanguna dito ang Barangay Namayan na tumanggap ng pagkilala at ng P7,000 na cash incentive. Sinundan naman ito ng mga sumusunod na barangay:
1st Runner-up – Wack-Wack
2nd Runner-up – New Zaniga
3rd Runner-up – Vergara
4th Runner-up – Old Zaniga
Ikinatuwa ni Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos ang pagkilala sa mga barangay dahil sa kanilang husay sa clearing operations, na isa sa tatlong component projects sa ilalim ng Kalinga at Inisyatiba Para sa Manilnis na Bayan (KALINISAN) sa Bagong Pilipinas Program para sa 2nd Quarter CY 2024 .