Bilang pagtugon sa Resolution No. 3469 S. 2024, ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pamumuno nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos, at ang Munisipalidad ng Larena, Siquijor, sa pamumuno nina Mayor Cyrus Vincent Calibo at Vice Mayor Jan Dean Villa, ay ganap nang pinagtibay ang kanilang pag-uugnayan sa ilalim ng Sisterhood Program matapos pirmahan ang kasunduan sa lingguhang programa ng lungsod.
Ang kasunduang ito ay pinatotohanan ng mga Konsehal ng Sangguniang Panlungsod ng Mandaluyong at ng Sangguniang Bayan ng Larena.
Kaugnay nito, nagkaroon din ng isang exchange of gifts ceremony kung saan nagbigay ng mga regalo ang dalawang pamahalaan sa isaât isa bilang simbolo ng kanilang pagtanggap at pagkakaisa.