Pormal na lumagda sa isang sisterhood agreement ang Lungsod ng Mandaluyong at Bayan ng Gasan, sa Lalawigan ng Marinduque na nagpapatibay sa ugnayan at kalakalan ng dalawang lokal na pamahalaan.
Ang paglagda sa kasunduan ay pinangunahan nina Mandaluyong City Mayor Ben Abalos at Gasan Mayor Rolando Tolentino na sinaksihan ng kanilang mga Bise Alkalde at mga konsehal.