Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

 

MAKULAY NA FUN RUN IDINAOS NG MANDALUYONG LGU

Dinagdagan ng kulay ang taunang fun run ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna ni Mayor Ben Abalos, bilang paghikayat sa publiko na magkaroon ng malusog at aktibong pamumuhay at bilang pakikiisa sa kampanya laban sa iligal na droga.

Ang Color Fun Run 2024, na may temang “Pag Healthy Ka, BIDA Ka,” ay binuksan nina Vice Mayor Menchie Abalos at MO Chief of Staff Charisse Abalos-Vargas, at kasabay na tumakbo ang mahigit isang libo’t limang daang indibidwal ng tatlong kilometro sa kahabaan ng F. Martinez Avenue, Fabella Road at pabalik.

Katuwang ang Sangguniang Kabataan Federation at Mandaluyong City Nutrition Committee sa idinaos na Color Fun Run 2024 na kaugnay din sa pakikiisa ng pamahalaang lungsod sa pagdiriwang ng Nutrition month ngayong Agosto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *