

Personal na ginawaran ng pagkilala nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos si Adrian Lerasan, isang atleta mula sa Mandaluyong Boxing Gym. Itinanghal na Bantamweight Champion si Lerasan matapos talunin ang kanyang katunggali na si Noli James Maquilan sa Blow by Blow Boxing Event noong March 20, 2025.