

Pormal na lumagda sa isang sisterhood agreement ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong at Pamahalaang Bayan ng Allacapan, Lalawigan ng Cagayan. Idinaos ang paglalagda sa Mandaluyong City Hall at pinangunahan nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos, at Allacapan Municipal Mayor Harry Florida at Vice Mayor Evonne Florida. Sa pamamagitan ng sisterhood agreement ay pinapaigting nito ang ugnayan ng Lungsod ng Mandaluyong at Bayan ng Allacapan.