

Pinaigting ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong at Bayan ng Bombon, Lalawigan ng Camarines Sur ang ugnayan nito sa isa’t isa sa pamamagitan ng paglada sa isang sisterhood agreement.
Naganap ang paglalagda sa Lungsod ng Mandaluyong na pinangunahan nina Vice Mayor Menchie Abalos at Bombon Mayor Eddie Alteza. Saksi dito ang miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Mandaluyong, Bombon Vice-Mayor Roberto Maldo at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.