Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

MANDALUYONG AT TABONTABON, LUMAGDA SA SISTERHOOD AGREEMENT

Pinangunahan nina Mandaluyong City Mayor Ben Abalos at Municipality of Tabontabon, Leyte Mayor Efren Redoña ang paglagda sa sisterhood agreement sa pagitan ng dalawang local government units (LGUs) ngayong araw.

Naganap ang paglada sa sisterhood agreement matapos ang flag-raising ceremony ngayong Lunes sa Mandaluyong City Hall Executive Building. Saksi sa nasabing aktibidad sina Mandaluyong City Vice Mayor Menchie Abalos at Sangguniang Panlungsod, at Tabontabon Municipal Vice Mayor Ponciano Justimbaste Jr. at mga bumubuo ng Sangguniang Bayan.

Ang Bayan ng Tabontabon ang ika-59 sister LGU ng Lungsod ng Mandaluyong sa kasalukuyan at ginawaran na ng dalawang Seal of Good Local Governance (SGLG) ng Department of the Interior and Local Government (DILG) noong 2023 at 2024.

Sinabi ni Mayor Redoña na layunin ng pamahalaang bayan na ipagpatuloy ang paghanap ng mga paraan na mas mapaunlad pa ang Tabontabon. Umaasa siya na makatutulong dito ang Mandaluyong na handang ibahagi ang karanasan nito sa aspeto ng maayos na pamamahala, pananalapi, at sa pagbuo ng iba’t ibang programa para sa publiko.

Ayon naman kay Mayor Abalos ay napabilis ang paglago ng ekonomiya ng Mandaluyong sa pamamagitan ng paglaan ng pamahalaang lungsod, kahit noong sa pamamahala pa ni dating mayor, Atty. Benhur Abalos, ng mga programang nakatuon sa edukasyon, pabahay, kalusugan, peace and order, at mabilis na pagproseso ng mga permit sa Negosyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *