Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

 

MANDALUYONG, BATAN LUMAGDA SA SISTERHOOD AGREEMENT.

Pormal na lumagda sa isang sisterhood agreement ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong at Pamahalaang Bayan ng Batan, Lalawigan ng Aklan.

Ang paglalagda ay ginanap sa Mandaluyong City Hall na pinangunahan nina  Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos, at Batan Mayor Mike Ramos at Vice Mayor JK Amir Demeterio.

Bukod sa paglalagda ng sisterhood agreement, dumalo ang delegasyon ng Bayan ng Batan para alamin ang mga paraan, proyekto, at programa na ipinatutupad ng Mandaluyong na naging susi sa makailang ulit na pagkamit nito ng Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *