Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

 

MANDALUYONG, BINIGYANG PUGAY SI PESO HEAD EMMA JAVIER

Bahagi sa lingguhang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa pangunguna nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos, kasama ang ilang mga Kapitan at Konsehal, ang buong pusong pasasalamat at pagbibigay-pugay ng lungsod sa namayapang pinuno ng Public Employment Services Department (PESO) na si Emma L. Javier at ang pakikiramay sa kaniyang pamilya.

Kaugnay nito, naglabas ang Sangguniang Panlungsod ng Resolution No. 3481, S-2024 na nagbibigay komendasyon at pakikiramay sa kaniyang naiwang pamilya, para sa hindi matatawarang mga programa at serbisyo publiko na kaniyang isinagawa habang nanunungkulan para sa lahat ng mga MandaleÃąo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *