Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

 

Mandaluyong City Government idinaos ang kauna-unahang mass civil wedding sa city jail

Pinangunahan ni Mayor Ben Abalos ang idinaos na ‘Kasalan sa Piitan’ sa Mandaluyong City Jail ngayong araw (September 20). Ito ang kauna-unahang mass civil wedding sa bansa kung saan 20 lalaking persons deprived of liberty (PDL) ay ikinasal sa loob ng kulungan.

Sa 20 pares na ikinasal sa mass wedding ay may tatlong pares na dati nang nagsasama bago parehas na makulong. Mayroon namang isang bilanggo na ikinasal sa kanyang 70-taong gulang na kinakasama.

Nakiisa sa programa sina Vice Mayor Menchie Abalos, mga konsehal, at si Bureau of Jail Management and Penology – National Capital Region (BJMP-NCR) Director Jail Chief Superintendent Clint Russel Tangeres, CESE.

Ayon kay Mayor Abalos, ang ‘Kasalan sa Piitan’ ay kabilang sa ‘Re-integration, Reformation Program’ ng pamahalaang lungsod at ng city jail sa mga PDL lalo na iyong mga may good conduct time allowance

Ipinaliwanag ni City Civil Registry head Atty. Gabriel Corton na ngayong ligal na pagsasama ng mga PDL sa kanilang mga asawa ay mas madali nang maisasaayos ang legitimacy ng kanilang mga anak sa birth certificate ng mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *