Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

 

MANDALUYONG LGU AT SULTAN KUDARAT PROVINCE LUMAGDA SA ISANG SISTERHOOD AGREEMENT

Pinangunahan nina Mandaluyong City Mayor Ben Abalos at Sultan Kudarat Governor Datu Pax Mangudadatu ang paglagda sa isang sisterhood agreement nitong Lunes (Hulyo 2).

Saksi sa isinagawang paglalagda ang buong Sanggunian ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sultan Kudarat at ang buong Sangguniang Panlungsod ng Mandaluyong.

Ayon kay Mayor Abalos makasaysayan ang naganap na paglagda ng kasunduan dahil ito ang kauna-unahang sisterhood agreement ng Mandaluyong sa isang lalawigan.

Masaya naman ang buong delegasyon ng Sultan Kudarat sa pagtanggap sa kanila ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong at sa magaganap na palitan ng kultura, kalakalan, maging sa pamamaraang administratibo.

Ikinatuwa din ni Mayor Ben ang pagkakapili ng Sultan Kudarat na maging katuwang nila ang Tiger City na pitong beses nang nagkamit ng Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa DILG.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *