Pinangunahan nina Mandaluyong City Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos ang turn over ceremony ng 24 na bagong motorsiklong binili ng pamahalaang lungsod.
Ang mga nasabing motorsiklo ay ibabahagi sa Traffic and Parking Management Department (TPMD) at Traffic Enforcement Division para mas mapaigting ang kanilang paghatid ng serbisyo sa publiko.