Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

 

MANDALUYONG LGU MULING GINAWARAN NG SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE, GAWAD KALASAG, ISO CERTIFICATION

Ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ay muling tumanggap ng tatlong prestihiyosong parangal mula sa iba’t ibang ahensiya sa pagtatapos ng taong 2024.

Ibinahagi ni Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos na iginawad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Mandaluyong ang ika-walo nitong Seal of Good Local Governance o SGLG. Ang parangal na ito ay ginagawad lamang sa mga local government units (LGUs) na nakapasa sa mga pamantayan ng nasabing ahensiya. Kabilang sa mga ito ang pamamahala, pananalapi, pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan, at maayos at mabilis na pagbabahagi ng serbisyo sa publiko.

Iginawad naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Mandaluyong ang ikatlo nitong Gawad KALASAG seal na may markang “Beyond Compliant.” Sumasagisag ito na nahigitan pa ng pamahalaang lungsod ang mga pamantayang nakasaad sa Philippine DRRM Act of 2010 (Republic Act 10121) at patunay sa kahandaan ng Mandaluyong sa pagtugon sa mga sakuna at kalamidad para sa  kaligtasan ng mga mamamayan.

Kabilang din sa nakamit ng Lungsod ng Mandaluyong ang ika-apat nitong ISO Certification mula sa NQA Philippines. Sinasagisag ng ISO Certification na ang isang organisasyon o pamahalaan ay mayroong mataas na pamantayan at kalidad sa kanilang mga serbisyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *