Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

 

MANDALUYONG LGU NAGBUKAS NG BAGONG PASILIDAD PARA SA MGA KABABAIHAN, KABATAAN, AT LGBTQIA+

Pinamunuan nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos ang pormal na pagbubukas ng gusali ng Mandaluyong City Protection Center for Women, Children and LGBTQIA+ na matatagpuan sa Barangay Mauway.

Nakiisa rin sa pagbubukas ng Protection Center sina Congressman Boyet at Queenie Gonzales, at mga konsehal ng lungsod.

Isinulong ng pamahalaang lungsod ang pagtayo ng nasabing pasilidad upang humaligi sa mga kababaihan, kabataan at miyembro ng LGBTQIA+ na makararanas ng kahit anong klase ng karahasan at pang-aabuso.

Kabilang sa mga serbisyo ng protection center ay ang pagbibigay ng psychosocial intervention sa mga indibidwal bilang tugon sa trauma na nararanasan dulot ng karahasan o pang-aabuso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *