Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

 

MANDALUYONG LGU NAKIISA SA BRIGADA ESKWELA 2024 NG DEPED

Muling nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pamumuno ni Mayor Ben Abalos, sa Brigada Eskwela 2024 ng Department of Education (DepEd) sa pamamagitan ng pag-aayos at paglilinis ng mga pampublikong paaralang nasasakupan nito.

Naganap ang kick-off ceremony ng Brigada Eskwela sa lungsod nitong July 23, 2024 sa Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales (MPNAG) sa Barangay Mauway at pinangunahan ito nina DepEd Secretary Sonny Angara, Vice Mayor Menchie Abalos, Congressman Boyet Gonzales, at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Procopio Lipana.

Dumalo rin sina DepEd-NCR Regional Director Jocelyn Andaya at MMDA Assistant General Manager for Operations Angelo Vargas, mga konsehal, Schools Division Office (SDO) Superintendent Romela Cruz at ibang opisyal ng SDO-Mandaluyong, at mga magulang.

Ibinahagi ni Abalos kay Angara at sa iba pang mga opisyal ng gobyerno ang nagpapatuloy na pagpipintura at paglilinis ng mga silid aralan sa MPNAG ng mga benepisyaryo ng Tulong Pangkabuhayan sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).

Ang Brigada Eskwela ay programa ng DepEd na sinimulan noong 2003 kung saan bayanihan ang mga pambansang ahensiya, mga lokal na pamahalaan at mga komunidad sa buong bansa na layong mapanatili ang kaayusan, kalinisan at kahandaan ng mga pampublikong paaralan para sa pagbubukas ng klase.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *