Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

 

MANDALUYONG LGU NAKIKIISA SA MENTAL HEALTH AWARENESS MONTH

Pinamunuan nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos ang flag raising ceremony at morning program ngayong araw kung saan nakikiisa ang pamahalaang lungsod sa pagdiriwang ng Mental Health Awareness Month ngayong Oktubre.

Pormal na inilunsad ang Manduyong City Mental Health Council at Blue Desk na siyang mangangasiwa at tutugon sa umiiral na mental health programs ng lungsod. Ang konsehong ito ay binubuo ng ilang mga departamento ng city hall, sektor ng edukasyon, kapulisan, at ng lahat ng barangay sa lungsod.

Kasabay din nito ang paglunsad ng Sagip BALISA (Bantayan at Alamin ang Laman ng Isip at Saloobing may Alinlangan) Program para tugunan ang mental health problems ng mga MandaleÃąo lalo na sa mga kabataan.

Dumalo at nakiisa rin sa flag raising ceremony si Samar Governor Sharee Ann Tan na sumusuporta sa mental health programs ng lungsod. Kaniyang inihayag na ang Lungsod ng Calbayog sa kanilang probinsya ay may matagumpay na programang tumutugon sa mental health problems ng mga residente nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *