

Pinangunahan nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos ang ceremonial turn over ng 2,000 laptops sa mga pampublikong paaralan at ALS Center sa Mandaluyong. Ang mga laptop ay magsisilbing karagdagang kagamitan sa mga paaralan para sa kanilang mga ICT laboratories at digital literacy initiatives.
Ang mga laptop ay ibabahagi sa mga paaralan ng Schools Division Office (SDO), sa pamumuno ni Superintendent Dr. Romela Cruz.
Ang karagdagang laptops na ibinahagi ng pamahalaang lungsod ay kaugnay sa kampanya ni Mayor Ben at Vice Mayor Menchie na mas mapaigting ang kalidad ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan.