Pinamunuan ni Mandaluyong City Vice Mayor Menchie Abalos ang symbolic turn over ng mga rubber shoes, school supplies, at mga uniporme sa Schools Division Office (SDO) na ipapamahagi sa mga estudyante sa mga pampublikong paaralan sa lungsod para sa Balik Eskwela 2024-2025. Kabilang sa isinagawang aktibidad sina SDO Chief Education Supervisor Rex Ado, Schools Division Superintendent Dr. Romela Cruz, at Assistant Schools Division Superintendent Charlie Fababer.