

Pinangunahan nina Mayor Ben Abalos, Vice Mayor Menchie Abalos, Congressman Boyet Gonzales at Queenie Gonzales, at ng Sangguniang Panlungsod ang pormal na pagbubukas ng Senate President Neptali A. Gonzales Integrated School (SPNAGIS) sa Barangay Mauway. Dumalo rin sa nasabing aktibidad si Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara at iba pang mga opisyal ng DepEd.
Ang proyektong ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ni Congressman Gonzales bilang suporta sa layunin ng pamahalaang lungsod na mas paigtingin pa ang sistema ng edukasyon para sa kabataang MandaleÃąo.