

Pinangunahan ni Mayor Ben Abalos, Vice Mayor Menchie Abalos, at ng Sangguniang Panlungsod ang pagdiriwang ng Mandaluyong Manpower & Technical-Vocational Training Center (MMTVTC) Day kasabay ng flag raising ceremony ngayong umaga. Nakiisa sa programa ang mga kinatawan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) National Capital Region sa pangunguna ni Assistant Regional Director Cariza Dacuma.
Sa programa ay ibinalita ni MMTVTC Administrator Midge Tampinco na sa basbas ng TESDA-NCR ay accreditation center na sa limang kurso – dressmaking, events management services, bread and pastry production, food and beverage, at housekeeping – ang Manpower. Dagdag pa dito ay nominado muli ang MMTVTC sa 2025 Kabalikat Awards ng TESDA.
Ipinakilala rin sa programa ang mga top students na kabilang sa batch February to May 2025 na binubuo ng 381 na estudyante mula sa iba’t ibang kurso ng MMTVTC. Sila ay nakatakdang magsipagtapos sa linggong ito.
At bilang pasasalamat ng Pamahalaang Lungsod sa pagtulong sa kampanyang trabaho at pangkabuhayan para sa mga Mandaleno ay binigyan ng pagkilala nina Mayor Ben ang Public Employment Service Department (PESD) at mga ahensiya ng Social Security Service (SSS), PAG-IBIG, PhilHealth, at Bureau of Internal Revenue (BIR).