Pormal na tinanggap ni Mayor Ben Abalos ang Listahanan database mula kay Department of Social Welfare and Development – National Capital Region (DSWD-NCR) Regional Director Atty. Michael Joseph Lorico upang mas mapaigting ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ang pagtulong nito sa mga pamilyang mas nangangailangan ng tulong.
Ang Listahanan program o National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR) ay ang information management system ng DSWD na tumutukoy kung sino at saan matatagpuan ang mga kapos-palad na mga indibidwal at pamilya sa buong bansa.