Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

 

MANDALUYONG, NAGBIGAY NG GOODIES AT FOOD SUPPLEMENTATION SA MGA PILING MANDALEÑO

Ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, na pinangungunahan nina Mayor Ben Abalos, Vice Mayor Menchie Abalos, kasama si DILG Secretary Benhur Abalos at ng Sangguniang Panlungsod, ay nagbahagi ng mga goodies at dietary food supplementation para sa mga underweight na bata, mga buntis, senior citizens, at children with disabilities sa lingguhang programa ng lungsod ngayong ika-1 ng Hulyo.

Kabilang ito sa mga benepisyo na kanilang tinatanggap na bahagi sa pagdiriwang ng Nutrition Month ngayong Hulyo at alinsunod na rin sa Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) na naglalayong isulong ang sapat at wastong nutrisyon para sa lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *