

Masiglang sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos, katuwang ang Bureau of Fire Protection (BFP)-Mandaluyong, sa pamamagitan ng isang mainit na pagsasayaw ang pagdiriwang ng Fire Prevention Month na may temang “Sa pag-iwas sa sunog, hindi ka nag-iisa.”
Ipinagmalaki rin ni City Fire Director SUPT Nazrudyn Cablayan ang pitong parangal na natanggap ng BFP-Mandaluyong sa katatapos lamang na Annual District Level Command Conference Meeting (District 4.
Ang mga natanggap na pagkilala ay mga sumusunod:
– Best Performing Station
– Best Practice in Profiling
– Most Inspection Conducted
– Most Improved Inspection
– Most Percentage Inspection
– Most Improved Collection
– Highest Fire Code Fees Collection in 2024
Ang mga tagumpay na ito ay patunay sa dedikasyon ng BFP-Mandaluyong sa pagpapanatili ng kaayusan at kahandaan ng lungsodâhindi lamang sa pagsugpo ng sunog kundi pati sa pag-iwas dito. Patuloy ang panawagan sa lahat ng MandaleÃąo na maging mapagmatyag at responsable upang maiwasan ang sakuna.