Sinuportahan ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos, kasama si Gender and Development Department Head Melody Imelda Umali, ang 18-Day Campaign to End Violence Against Women ng Violence Against Women and their Children (VAWC), sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga symbolic collateral materials sa lingguhang programa ng pamahalaang lungsod.
Ang mga signage na ipapaskil sa mga VAWC Desk ng iba’t ibang barangay ay patunay sa aktibong suporta ng Mandaluyong upang patuloy na masugpo ang karahasan laban sa kababaihan at kabataan.