Alinsunod sa Proclamation 1275, nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Ben Abalos, Vice Mayor Menchie Abalos at City Health Officer Dr. Arnold Abalos sa pagdiriwang ng Midwifery Week na may temang “Midwives: A Vital Climate Solution”, bilang pagpapahalaga sa mga midwives ng lungsod na tumutulong sa pagsilang ng mga batang Mandaleño na magiging pag-asa ng bayan.
Bilang pakikiisa rin sa selebrasyon, kinilala ng lungsod ang mga Midwife na matagal nang naghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan, kabilang sina:
EVANGELINE TAN-AWON, 35 taon ng serbisyo
JUANITA ESCALANTE, 35 taon ng serbisyo
CELIA BERNABE, 35 taon ng serbisyo
FELY CABERTE (MCMC), 37 taon ng serbisyo
MARIETTA REYES, 29 taon ng serbisyo
RITA PACIO, 39 taon ng serbisyo