Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

MANDALUYONG, PINARANGALAN ANG MGA NATATANGING DAY CARE WORKERS

Tampok sa lingguhang programa ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna ni Mayor Ben Abalos, ang paggawad ng plake ng pasasalamat sa mga natatanging day care workers bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon sa mahabang taon ng paglilingkod at pagpupugay sa kanilang nalalapit na pagreretiro ngayong taon.

Kabilang sa mga pinarangalang day care workers ay sina:

– ELENITA AMPARADO, 16 taon ng serbisyo

– ROSITA DELA CRUZ, 27 taon ng serbisyo

– PATRICIA OXALES, 32 taon ng serbisyo

– MERLINDA IBUSAG (ECCD Service Program Division Head), 42 taon ng serbisyo

Ang pagkilalang ito ay bahagi ng patuloy na pakikiisa ng Pamahalaang Lungsod sa pagpaparangal at pagbibigay-halaga sa katangi-tanging kontribusyon ng day care workers para sa lungsod at mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *