

Nagpahayag ng buong suporta ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna ni Mayor Ben Abalos, kay Jemile Rustia Zosa, Ms. Mandaluyong 4th Runner-Up mula sa Barangay Wack Wack, na kakatawan sa lungsod sa nalalapit na Binibining Pilipinas 2025.
Asahan ang patuloy at walang sawang suporta ng pamahalaang lungsod sa bawat Mandaleñong lumalaban para sa karangalan ng lungsod.