

Pinamunuan ni outgoing Mayor Ben Abalos bilang inducting officer ang pormal na panunumpa sa tungkulin ni incoming Mayor Menchie Abalos.
Saksi sa kanyang panunumpa si dating DILG Secretary Atty. Benhur Abalos at kanilang mga anak at apo.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Mayor Menchie na sa bagong yugto ng kanyang panunungkulan ay kanyang aalagaan at pagyayabungin ang kaunlaran ng Mandaluyong na may matatag na ekonomiya, mahusay na edukasyon, mainam na kalusugan, mapayapang komunidad at progresibong pamilya.