Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

MAYOR-ELECT NG DOLORES, EASTERN SAMAR, NANUMPA SA MANDALUYONG CITY

Pinamunuan ni Mayor Ben Abalos ang oathaking ceremony ni incoming Dolores Municipal Mayor Dr. Zaldy Carpeso. Naganap ang nasabing oathtaking sa flag raising ceremony sa Mandaluyong City Hall.

Saksi sa pormal na panunumpa ni Mayor Carpeso, na dating nagsilbi bilang hospital director ng Mandaluyong City Medical Center at City Health Officer, ang kaniyang pamilya at si Vice Mayor Menchie Abalos

Lubos ang pasasalamat ni Mayor Carpeso kina Mayor Ben, Vice Mayor Menchie, at Atty. Benhur Abalos sa pagkakataon na ibinigay sa kaniya na makapaglingkod sa lungsod at dala niya ang best practices ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong na nais niyang ibahagi at ipatupad sa Bayan ng Dolores.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *