

Opisyal nang inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ang Brigada Eskwela 2025 sa pamamagitan ng isang symbolic turnover, na pinangunahan nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos, Sangguniang Panlungsod, at si SDO Superintendent Romela Cruz, ng mga aklat, notebook, bag, uniporme, sapatos, medyas, go bag, at hygiene kit sa ginanap na flag raising ceremony sa city hall ngayong araw.
Ayon kay Mayor Abalos, mahalaga at pinakamagandang puhunan ang edukasyon sa paghubog ng kinabukasan ng mga kabataan at patuloy na naglalaan ng pondo ang pamahalaang lungsod para sa mga kagamitan at uniporme para sa lahat ng mga MandaleÃąong mag-aaral sa mga pampublikong eskwelahan sa lungsod.