Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

MGA ESTUDYANTENG ATLETA, HUMAKOT NG MEDALYA SA NCR PALARO 2025

Pinamunuan nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos, katuwang ang Schools Division Office (SDO)-Mandaluyong, ang pagbigay-pugay at pagkilala sa mga estudyanteng atleta mula sa iba’t ibang paaralan sa lungsod na humakot ng medalya sa nakalipas na NCR PALARO 2025. Ang pagkilala ay kaugnay sa pagdiriwang ng Tagumpay ng mga Kabataang Mandaleño.

Ang mga estudyanteng atleta ay mula sa Ilaya Barangka Integrated School, Jose Rizal University, La Salle Green Hills, Andres Bonifacio Integrated School, Jose Fabella Memorial School, Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales, City of Mandaluyong Science High School, Doña Basilisa Yangco Elementary School, Isaac Lopez Integrated School, at San Felipe Neri Catholic School.

Sila ay humakot ng mga gold, silver, at bronze medal sa mga palarong Volleyball, Athletics, Chess, Wrestling, Swimming, Boxing, Arnis, Dancesports, Football, Basketball, at Paragames-Athletics. Ang ilan sa kanila ay kakatawan sa NCR sa gaganaping Palarong Pambansa 2025 National Finals sa darating na Mayo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *