

Pinamunuan nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos, katuwang ang Schools Division Office (SDO)-Mandaluyong, ang pagbigay-pugay at pagkilala sa mga estudyanteng mula sa iba’t ibang paaralan sa lungsod na lumahok at nagwagi sa Regional Festival of Talents. Ang pagkilala ay kaugnay sa pagdiriwang ng Tagumpay ng mga Kabataang Mandaleño. Nagwagi ang mga estudyante mula sa Highway Hills Integrated School, Pedro P. Cruz Elementary School, City of Mandaluyong Science High School, Addition Hills Integrated School, Andres Bonifacio Integrated School, Mandaluyong High School, Pleasant Hills Elementary School, Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales, at Eulogio Rodriguez Integrated School sa Read-a-thon (Filipino Likhawento at English Story Retelling), Resolution Challenge, Foreign Language Competition (Nihongo), Technolympics (Elementary Food Preparation and Presentation at Extension Cord Assembly, at Secondary Food Processing), Electrical Installation and Maintenance, Sining Tanghalan, Bayle sa Kalye & Showdown, at SNED Abilympics