

Ipinakilala nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos ang mga Mandaleñang lalahok sa Miss Mandaluyong 2025 beauty pageant.
Ang bawat kandidato ay siyang kumakatawan sa kanilang barangay sa paligsahan ng husay, galing at ganda ng mga Mandaleña at ito ay gaganapin sa February 7 (Friday) sa Mandaluyong City College Gymnasium.
Ang taunang beauty pageant ay itinatanghal ng pamahalaang lungsod kaugnay ng pagdiriwang ng 80th Liberation Day at 31st Cityhood Anniversary ng Mandaluyong.