Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

 

MGA OPISYAL NG LALAWIGAN NG SIQUIJOR, DUMALO SA MANDALUYONG

Pinamunuan nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos ang flag-raising ceremony ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong na dinaluhan nina Siquijor Vice Governor Dr. Mei Ling Quezon-Brown, Municipality of Siquijor Mayor Richard Quezon, Municipality of Enrique Villanueva Mayor Nale Vincent Masayon, Municipality of Larena Cyrus Vincent Calibo, at Municipality of San Juan Wilfredo Capundag Jr.

Inihandog ni Mayor Ben ang susi ng lungsod sa mga opisyal ng Lalawigan ng Siquijor na bumisita para makita ang mga pamamaraan sa pamamahala, mga programa, at mga proyekto ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong.

Inihayag ni Mayor Ben na bukas ang Mandaluyong sa mga taga-Siquijor at handa ang pamahalaang lungsod na ibahagi ang anumang hakbang at impormasyon na makatutulong para lalong umunlad ang nasabing lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *