Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Drug Abuse Prevention and Control (DAPC) Week 2024, ang mga opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong kabilang sina Mayor Ben Abalos, Vice Mayor Menchie Abalos, mga Konsehal, mga kapitan at iba pang tagapamahala ay lumagda sa Pledge of Commitment to Stay Drug-Free sa lingguhang programa ng lungsod.
Ang pirmahang ito ay sumisimbolo ng kanilang pangako at suporta sa adbokasiyang wakasan ang paggamit ng ilegal na droga sa Lungsod ng Mandaluyong, tungo sa makabagong Pilipinas.