Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

NATATANGING SOCIAL WORKERS, PINARANGALAN NG MANDALUYONG

Bilang pagkilala at pasasalamat sa husay, dedikasyon, at malasakit ng mga lingkod-bayan, nagbigay-parangal ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna ni Mayor Ben Abalos, Vice Mayor Menchie Abalos at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, sa mga natatanging Registered Social Workers bilang bahagi ng pagdiriwang ng Social Worker’s Day.

Ang mga pinarangalan ay kinilala sa kanilang mahalagang papel sa pagtugon sa pangangailangan ng bawat Mandaleño—lalo na sa mga panahong higit silang kinakailangan.

Kabilang sa mga pinarangalan ay sina:

• ARLENE GAMPAL, Officer-in-Charge – CSWD

• SHERYL ALIM

• DHOREEN BISNAR

• MA. GRACIELLA PEREZ

• MELINDA SUMAYLO

• CECILIA URBANO

• MELIENA BARIL

• MARICHU RAPSING

• ELEN CESTINA

• EDWIN SIGNO

• KRISHA ANGELIKA HAYES BON

• SONIA ALUTAYA

• LORELYN GAMBOA

Taos-pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng buong Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong at ng bawat Mandaleño sa walang sawang paglilingkod—na patuloy na nagbibigay lakas, kalinga, at katuwang sa bawat mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *