Current Date in Philippines
Current Time in Philippines
Current Temperature in Manila, Philippines

 

NATIONAL HOSPITAL WEEK IPINAGDIRIWANG NG MANDALUYONG LGU

Nakikiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Madaluyong sa pagdiriwang ng National Hospital Week tuwing August 6 hanggang 12 sa pangunguna ni Mayor Ben Abalos at ng mga medical and non-medical staff ng Mandaluyong City Medical Center (MCMC).

Ibinida ni MCMC Medical Director Dr. Cesar Tutaan ang ilan sa mga tagumpay na nakamit ng city hospital gayun din ang mga programang medikal na ipinatutupad nito ayon sa isinusulong ng pamahalaang lungsod.

Sa ilalim ng Presidential Proclamation No. 181, s.1993 ay inuudyok ang buong bansa na ipagdiwang ang National Hospital Week para isulong ang mga serbisyong medikal ng mga ospital at ang kahalagahan ng pagkikipagtulungan nito sa iba’t ibang sektor ng lipunan para sa ikagaganda ng kalusugan ng mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *