Ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, katuwang ang Department of the Interior and Local Government (DILG), Rotary Club 3780, Aguman Campangan, For God’s Glory Fund Foundation, Inc., at Hospital on Wheels ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ay nagsagawa ng “Oplan Tanggal Bukol, Luslos, Goiter, Cleft Lip, at iba pa” na idinaos sa Mandaluyong College of Science and Technology (MCST) Gymnasium.
Ayon kay Mandaluyong City Mayor Ben Abalos, may 144 na pasyente ang nabigyan ng serbisyo medikal sa proyekto at 114 sa mga ito ay maituturing na major operations.