

Kabuoang 144 council sessions — 127 regular at 17 special — na nagresulta sa pagpasa ng 74 mahahalagang ordinansa at 481 resolusyon ng ika-12 Sangguniang Panlungsod.
Ganiyang pagsasabuhay ng “GAWA HINDI SALITA…MANDALEÑO DISIPLINADO” ang ginawa ni Vice Mayor Menchie Abalos sa kaniyang panunungkulan bilang Presiding Officer ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, na nagpapakita ng kaniyang dedikasyon at tapat na serbisyo sa lehislatura ng Lungsod.
Dahil dito, ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong, sa pangunguna nina Mayor Ben Abalos, at mga miyembro ng Konseho, ay taos-pusong nagbigay-pagpapahalaga kay Vice Mayor at Mayor-elect Menchie Abalos sa bisa ng Resolution No. 3628 S-2025, bilang pagkilala sa kaniyang mahalagang kontribusyon sa pagtataguyod ng kabuhayan, kapayapaan, at kaunlaran para sa bawat Mandaleño.
SA PANIBAGONG YUGTO NG KANIYANG PAGLILINGKOD BILANG MAYOR NG LUNGSOD, SAMA-SAMANG KUMILOS, MAGKAISA, AT SUPORTAHAN SI MAYOR MENCHIE ABALOS PARA SA PATULOY NA PAG-ASENSO NG MANDALUYONG!