Iprinisenta kay Vice Mayor Menchie Abalos, na kumatawan kay Mayor Ben Abalos, at sa lahat na mga dumalo sa Monday Morning Program ang mga pulis na kabilang sa Newly Appointed Police Commissioned Officers (NAPCOS) at Field Training Officers (FTO) na nadestino sa Lungsod ng Mandaluyong para sa kanilang training.Ang mga nasabing pulis, na mga propesyonal din, ay kinabibilangan ng mga abogado, dentista, engineer, psychologist at pari, at magiging bahagi ng kapulisan ng lungsod sa loob ng isang taon bago bumalik sa PNP Headquarters sa Camp Crame ayon kay Mandaluyong Chief of Police PCol Mary Grace Madayag.